Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Makati

Makati City – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Barangay Pio del Pilar sa Makati City.

Kinilala ang biktima na si Rolando Medinilla, 30-anyos na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa batok.

Ayon sa pulisya, nakatayo lang noon ang biktima ng lapitan ng suspek at pagbabarilin.


Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek maging ang motibo nito.

Facebook Comments