Katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng Department of Environment and Natural Resources nagtanim ang mga ito ng 200 bamboo seedlings sa Barangay Cayanga San Fabian Pangasinan bilang bahagi ng National Greening Program.
Itinanim ang mga Bamboo Seedlings sa tabing ilog upang maiwasan ang pagkatibag ng lupa at mainam umano na panangga sa bagyo.
Sa pranayama ng IFM Dagupan kay Atty. Catherine Buduhan OIC ng Central Pangasina Environment and Natural Resources, dati na umanong nataniman ang Brgy. Cayanga, San Fabian ngunit dahil sa mga nagdaang bagyo ay na wash out ang mga ito, kaya minabuti nilang ulitin ang pagtatanim nito.
Samantala, magpapatuloy naman umano ang aktibidad ng ahensya sa buong Central Pangasinan para sa pangangalaga ng kalikasan.
Facebook Comments