Nasa 200 barko pa ang nananatili sa West Philippine Sea.
Ayon kay Liz Derr, co-founder at CEO ng geospatial intelligence firm na Simularity, pitong barko ang namataan sa Julian Felipe Reef o Whitsun Reef noong May 3.
150 barko naman ang nasa 9 nautical miles ng Hughes Reef na bahahi ng Union Banks habang 50 sa Gaven Reef.
Hindi pa nila tukoy kung anong bansa ang nagmamay-ari sa mga barko pero kawangis aniya ito ng mga barkong unang namataan sa Whitsun Reef.
Marso nang mamataan sa Julian Felipe Reef ang 200 Chinese militia vessels dahilan ng paghahain ng bansa ng mga bagong dimplomatic protest laban sa China.
Facebook Comments