CAUAYAN CITY- Umabot sa dalawang-daan na katao ang nakinabang sa isinagawang libreng serbisyo ng pamunuan ng Northern Cagayan District Hospital sa San Andres, Sanchez Mira.
Sinabi ni Dona Mae Orteza, Designate Administrative Officer, kada-taon inilulunsad ang nasabing aktibidad na may layuning maabutan ng tulong ang mga maahihirap na Pilipinong walang kakayahang makapagpagamot o magpatingin.
Sa nasabing misyon, 108 katao ang tumanggap ng free medical services tulad ng blood chemistry, CBC test, at libreng X-ray. Habang 102 naman ang nakatanggap ng serbisyong dental na kinabibilangan ng libreng bunot.
Bukod dito, namahagi rin ang mga ito ng libreng gamot para sa mga nagpabunog ng ngipin.
Facebook Comments