200 indibidwal, sinanay ng pamahalaang lokal ng Pasig bilang bagong contact tracer

Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasig, sinanay ng lokal na pamahalaan nito ang 200 indibidwal bilang karagdagang mga contact tracer ng lungsod.

Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, noong Enhanced Community Quarantine (ECQ) kinakaya pa ng kanilang mga staff ng Pasig City Epidemiology Surveillance Unit.

Subalit, simula noong ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila, tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19, dahilan para ma-overworked ang mga ito.


Kaya naman aniya kailangan nila ng tulong upang mapaganda ang responde at pag-monitor ng mga kaso sa lungsod.

Ang mga bagong contact tracer ay mga bababa sa mga barangay para magsagawa ng komprehensibong survey.

Samantala, ang Pasig City ay meron ng 1,614 na confirmed cases ng COVID-19 batay sa pinakabagong tala ng health department ng lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 741 dito ay recoveries at 111 naman ang mga nasawi.

Kaya naman nasa 762 na ang active cases sa lungsod.

Facebook Comments