Aabot sa 200 milyong dolyar ang nakatakdang hiramin ng Department of Agriculture (DA) sa World Bank para masuportahan ang sektor ng pangisdaan ng bansa.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, ang nasabing $200-million Fisheries and Coastal Resiliency project ay gagamitin ng ahensiya para muling buhayin ang sektor ng pangisdaan na naapektuhan ng COVID-19.
Ipapasa ng DA – Bureau of Fisheries and Aquatic Resource ang loan proposal ngayong November 2020 habang sa 2021 naman ipatutupad ang fishcore project sa oras na maaprubahan ito.
Facebook Comments