200 Magsasaka sa Tumauini, Isabela, Binawi ang Suporta sa CPP-NPA-NDF

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa 200 na miyembro ng Asosasyon dagiti Mannalon a kaBabaihan ti Isabela-Amihan (AMBI-Amihan) sa bayan ng Tumauini, Isabela ang boluntaryong nag-withdraw ng kanilang suporta sa CPP-NPA-NDF.

Ang AMBI–Amihan sa Brgy. Caligayan Chapter ay inorganisa ni Leticia Dizon, Chairperson ng AMBI Caligayan kasama si Nenita Apricio, National Council member ng Amihan at Chairperson din ng Amihan Tumauini.

Ang nasabing organisasyon ng mga kababaihang magsasaka ay binuo ng mga organizers para suportahan ang armadong pakikibaka ng mga teroristang NPA.


Sinisingil ang bawat miyembro ng tig- P20.00 kada buwan para sa kanilang resource generation maliban pa sa kanilang binayarang Php200.00 na membership fee.

Bilang patunay ng kanilang pagtalikod at pag-atras ng suporta sa mga makakaliwang grupo ay nanumpa ang mga miyembro ng AMBI-Amihan at nangakong susuportahan ang mga programa ng gobyerno tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng komunidad at makikipagtulungan rin sa kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo.

Bukod dito, lumagda rin ang mga miyembro para sa kanilang pagtuligsa sa CPP-NPA-NDF para makumpleto ang proseso ng kanilang withdrawal sa makakaliwang grupo.

Facebook Comments