200 metric tons ng buhay na baboy mula General Santos City, dumating na sa Port of Manila

36
Courtesy: Department of Agriculture - Philippines Facebook Page

Dumating na ang 200,000 kilo ng buhay na baboy na nakasakay sa MV Oceanic Freedom sa Port Area sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mula sa Port of Manila ay dadalhin sa slaughter house ang nabanggit na mga baboy.


Ani Dar, nakalatag na ang mga palengke na pagbabagsakan sa sandaling makatay na ang mga baboy at tututukan ito ng Department of Agriculture (DA) hanggang madala sa mga vendor.

Pagtiyak ng kalihim, mayroon pang sapat na suplay na darating mula sa iba pang probinsya gaya ng Iloilo, Batangas, Mindoro at iba pa.

Aniya, hindi magtatagal ay matatapos na ang kakulangan ng suplay ng baboy maging sa manok sa Metro Manila.

Facebook Comments