200 na magsasaka na miyembro ng MARBAI na nagkakampo sa Mendiola mula pa noong May 1, hinarap ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Hinarap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may 200 miyembro ng Madaum Agrarian Reform Beneficiaries Inc. (MARBAI) na nagkakampo sa Mendiola mula pa noong May 1.

Ito’y para personal na mapakinggan ang mga hinaing ng nasabing grupo kabilang na ang ipinaglalaban nilang lupain sa Tagum, Davao Del Norte.

Ayon sa grupo, nais nilang maibigay na sa kanila ang mga lupaing sinasaka nila noon na kinamkam umano ng Lapanday Foods Corporation na isang kumpanya ng saging.


Ayon sa Pangulo, oras na makumpleto ang mga requirements ay agad niyang ipag-uutos kay Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano ang pag-turn over ng mga lupa sa Lapanday farmers.

Samantala, pinasaringan din ni Duterte ang hudikatura kaugnay ng pag-iisyu ng mga ito ng Temporary Restraining Order sa mga usaping matagal nang napanalunan ng mamamayan o ng pamahalaan.

DZXL558

Facebook Comments