200 NA PUNO SA HIGHWAY NATIONAL ROADS SA BAYAN NG STA. BARBARA, PINUTOL NA; MGA PUNO TAKAW DISGRASYA UMANO AYON SA MGA MOTORISTA

Inumpisahan nang putulin ang ilang mga puno na matatagpuan sa mga gilid ng National Highway sa bayan ng Sta. Barbara para sa isasagawang road-widening ng ahensyang DPWH o Department of Public Works and Highways.
Ayon sa ahensya, nakakasagabal anila ang mga puno sa right of way ng isasagawang road-widening kaya’t puspusan na rin ang pagpuputol sa mga ito.
Tiniyak naman ng ahensya na dokumentado at may permiso mula sa DENR ang bawat punong puputulin sa lugar para sa isasagawang road-widening ng pamahalaan.

Nasa dalawan-daang mga puno ang nakatakdang puputulin sa mga National Roads ng bayan kung saan ayon naman sa Community Environment and Natural Resources Office o CENRO na sa kada isang punong puputulin ay kapalit nito ang nasa isang daang punla na itatanim sa mga piling lugar o kabundukan ng DENR.
Ayon sa pagtatanong-tanong ng IFM Dagupan sa ilang motorista na nadaraanan ang mga puno, ay delikado anila kung halimbawa mag-oovertake sila minsan hindi sila pamilyar sa kalsada at may puno pala sa gilid ay magkakaroon ng disgrasya.
Ayon naman kay Sta. Barbara DRRM Officer Raymond Santos ay maganda aniyang ideya ang pagpuputol sa mga puno na kung minsan ang tawag nila sa mga punong ito ay killer tree dahil nakakadisgrasya ang mga ito at upang maiwasan ang mga disgrasya.
Samantala, ilang mga residente at mga motorista naman ang nalulungkot dahil sa pagpuputol ng puno na nakakatulong umano sa kapaligiran. |ifmnews
Facebook Comments