200% na suporta kay President Bongbong Marcos, dapat na ibigay – kongresista

Umapela si 1-PACMAN Partylist Rep. Michael Romero sa sambayanan na ibigay ang buong suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kung ang kongresista ang tatanungin, dapat ay 200% ang suportang maibigay kay Marcos.

Panahon na aniya na magkaisa ang mga Pilipino para makamit ang mga layunin at magawa ng pangulo ang mandatong iniatang sa kaniya ng bansa.


Giit ni Romero, kung nanaisin ng mga Pilipino na tumulong para makabangon mula sa pandemya, mataas na inflation rate, at mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, hindi dapat biguin ng mga Pilipino ang kanilang kapwa.

Punto ng mambabatas, ang tagumpay ni Marcos ay tagumpay ng lahat ng mga Pilipino kaya naman hindi dapat hayaan ang pangulo ng bansa.

Dagdag pa ng kongresista ang pagbibigay suporta sa mga programa at mga proyektong isusulong sa ilalim ng Marcos administration tulad ng mga solusyon sa mataas na presyo ng langis, food sufficiency, at iba pa.

Facebook Comments