Hindi na lingid sa lahat ng residente ng Naga City at mga katabing bayan ang biglaang pagkaroon ng covid-19 positive cases.
Simula June 25, nagkaroon ng dalawang kaso kung saan isang nanay at kanyang anak na babae galing Naic, Cavite ang nagpositibo sa covid-19. Sila ay nakatira sa Spillway, Barangay Concepcion Pequeña, Naga City. Ilan pang mga may direct contact sa mag-ina ang napaulat na nahawaan at naging covid positive na rin.
Fast-forward: Ngayon July 1, 2020, 15 na ang covid positive cases sa Naga City ayon sa report ni Mayor Nelson Legacion sa kanyang FB post.
Samantala, kaninang umaga sa DWNX Programang Bicol Express – alas 5-630AM, isang opisyal ng Brgy. Concepcion Pequeña ang na-interview ni RadyoMaN Jun Orillosa kung saan nabanggit ni Kagawad Mario Broncate Salak na kailangang mapag-ibayo pa ang kampanya upang maprotektahan at manatiling ligtas ang mga residente. Binigyang-diin din niya ang pangangailangan na dapat gumamit ng face masks ang lahat upang makaiwas sa nakakatakot na covid virus.
Sa nasabing interview, walang pagdadalawang-isip na sinabi ni RadyoMaN Jun Orillosa na pagsisikapan ng DWNX na makatugon sa nasabing pangangailangan.
Nagkataon naman na nakikinig din pala sa DWNX si Mr. Lito Miranda, may-ari ng LITEX na siyang partner ng DWNX sa unang bugso pa lamang ng NX Face Mask Project. Kaagad-agad na nagpaabot ng mensahe si Mr. Miranda na ang DWNX at LITEX ay magbibigay ng 200 PIECES FACE MASKS para sa mga taga-Barangay Concepcion Pequeña, especially sa mga taga-Spillway! Kaagapay din sa gawaing ito ang mababait na mag-asawang Engr. Sonny at Ma’am Jingle Gianan.
Hindi man inaasahan, iginagalak ni Kagawad Salak ang nasabing bagay para sa proteksiyon at kaligtasan ng kanyang mga ka-barangay.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa at pagsapit ng tanghali, sa isang simpleng meet-up, iniabot nina RadyoMaN Jun Orillosa ng DWNX at Mr. Lito Miranda ng LITEX ang 200 pirasong facemasks (120 pieces NX Face Masks, 80 pieces LITEX) kay Kagawad Mario Broncate Salak ng Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Salak na naniniwala siya sa layunin ng NX Face Mask Project. Hindi rin siya nag-alinlangan sa pagsabing bukas siya at kanyang pamilya, kahit sa simple at maliit na paraan, na tumulong din upang suportahan ang makabuluhang proyekto na walang ibang layon kundi matulungang manatiling ligtas ang mga mamamayan ng Naga City at karatig-lugar.
Maraming salamat po, Kagawad Mario “Nono” Broncate Salak! Sana po ay patnubayan kayo lagi.
200 NX/LITEX Face Masks LIBRENG-IPAPAMIGAY sa mga Residente ng "covid-19 affected center"-Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City ; Kagawad Nono Broncate Salak Nagpahayag ng Suporta
Facebook Comments