Cauayan City, Isabela-Nabiyayaan ang nasa 200 pamilya sa dalawang bayan ng Cagayan matapos makatanggap ng Grocery items at Cash Assistance mula sa Police Regional Office 2 katuwang ang ilang kinatawan ng Officer Ladies Club.
Mismong si PRO2 Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves ang nanguna sa pamamahagi ng tulong mula sa Barangay Logung sa bayan ng Amulung at Barangay Afusing Daga sa bayan ng Alcala.
Kasama rin sa aktibidad ang WestBridge, Bulig, Iloilo, PNPA Class ’92 Wives at PRO 13 OLC na nagkaloob ng P50,000 cash assistance bawat isa sa dalawang residente ng Brgy. Logung na nawalan ng bahay noong kasagsagan ng Bagyong Ulysses.
Samantala, nasa 200 na pamilya naman mula sa Barangay Afusing Daga sa bayan ng Alcala ang nakatanggap ng food item maliban pa sa 100 gift packs para naman sa mga bata.
Nagpasalamat naman si RD Nieves sa Federation of Filipino Organizations at Saint Barnabas the Apostle Charity and Solidarity Center na siyang nagkaloob din ng relief goods.
Maliban dito, tinanggap naman ni Fr. Kristian Noel Sabbaluca, parish priest ng St. Vincent Ferrer Parish ang karagdagang P100,000 cash assistance mula kay RD Nieves para sa pagpapatayo ng bahay ng mga ilang residente.
Hinihimok naman ng opisyal na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga nais pang magpaabot ng tulong sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha.