PSG kinumpirma na ilang personnel nila ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19

Kinumpirma ni Presidential Security Group (PSG) Chief Brig. Gen. Jesus Durante na ilang mga tauhan nila ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19.

Sa statement ni Durante, sinabi nitong pangunahing mandato ng PSG na protektahan ang pinakamataas na lider ng bansa.

At dahil sa COVID-19 pandemic nais masiguro ng hanay ng PSG na matiyak ang kaligtasan at kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ito ani Durante ang dahilan kung bakit nagpasya ang PSG na maunang magpaturok ng bakuna.

Paliwanag ni Durante, hindi para sa personal agenda kung hindi para sa misyon nilang pangalagaan at protektahan ang Pangulo ng bansa

Facebook Comments