Cauayan City, Isabela- Hinihikayat ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang publiko na magtanim ng pangunahing pagkain sa bawat bakuran sa kabila ng nararanasang pandemya.
Ito ay bahagi pa rin ng inilunsad na programa na ‘AHON LAHAT PAGKAING SAPAT’(ALPAS) kontra COVID-19 ‘Plant Plant Plant’ Program ng ahensya.
Ayon kay Col. Augusto Padua, Commanding Officer ng Tactical Operations Group 2 (TOG-2), katuwang ang Philippine Airforce sa paglulunsad ng nasabing programa bagama’t may kakulangan sa manpower ang nasabing ahensya ng pagsasaka.
Giit ng Padua, nagkaloob ang DA ang mga binhi sa mga urban area sa rehiyon upang manatiling magkakaroon ng alternatibong pamamaraan sa pagkukunan ng pagkain ang bawat barangay ngayong mahigpit ang pagpapatupad ng polisiya kontra virus.
Sa kabila nito, magsasagawa naman ng monitoring ang mga barangay pagkaraan na maitanim ang ilang seedlings at hindi lang aniya basta naipamigay.
Sasanayin din ang ilang barangay sa mushroom production ng Department of Agriculture.
Bukod sa Plant Plant Plant Program ay nagkaroon din kailan lang ng Rice Seed Subsidy at Rice Farmer Financial Assistance na programa rin ng nasabing kagawaran.
Tinanggap ng nasa 200 pamilya ang mga ipinamahaging seedlings ng DA.