Manila, Philippines – Naglabas na ang pamahalaan ng arrest order laban sa 200 pulitiko at iba pang personalidad na dawit sa rebelyon at pagsuporta sa Maute terrorist group.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff at martial law Implementor, Gen. Eduardo Año – kasama rin sa listahan ng mga aarestuhin ang ilang barangay officials.
Paliwanag ni Año, maituturing na pagtataksil sa bansa ang pagsuporta sa mga nasabing teroristang grupo na siyang pasimuno ng kaguluhan sa Marawi City.
Nabatid na naaresto ng pamahalaan si Cayamora Maute, ang ama ng magkapatid na Abdullah at Omar Maute pati na si dating Marawi Mayor Fajad Salic dahil sa pagbibigay ng suporta sa local terrorist group.
DZXL558
Facebook Comments