Planong itakas si Cayamora Maute sa kulungan, patuloy na kinukumpirma ng AFP

Manila, Philippines – Patuloy na kinukumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang planong pagtakas sa ama ng Maute brothers na si Cayamora Maute.

Sinabi ni Eastern Mindanao Command Deputy Commander Brig/Gen. Gilbert Gapay – hindi nila isinasantabi ang ganitong ulat dahil nagawa na ito ng kalaban.

Nabatid na sinalakay ng Maute ang ilang kulungan sa Marawi at pinalaya ang mga bilanggo roon.


Ayon kay AFP Spokesperson Brig/Gen. Resitituto Padilla – maaring masampahan ng kaso si Cayamora dahil sa krisis sa Marawi City.

Dahil dito, itinuturing na high security risk ng mga otoridad si Cayamora.
DZXL558

Facebook Comments