Pormal ng nagsimula ang training ng mga bagong PNP recruits ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region.
Kahapon, isinagawa ang oath taking ng mga 200 qualified recruits para sa CY-2020, o First Cycle Regular Public Safety Force Quota (PSF) sa Camp General Salipada K. Pendatun sa Parang Maguindanao.
Kinabibilangan ang mga ito ng 170 na mga kalalakihan at 30 mga babae. Sasailalim ito ng anim na buwang pagsasanay sa Regional Training Center sa PRO BAR at anim na buwan sa kanilang immersion sa Field Training Program.
Sa kanilang pagsisimula sa pagsasanay, magsisismula na ring makakatanggap ng kanilang PHP 29, 668 monthly basic salary ang mga ito ayon pa sa impormasyon mula kay PRO BARMM Spokesperson Captain Jemar Delos Santos. Bukod pa sa initial na clothing allowance .
Nagbigay naman ng kanyang mensahe sa pamamagitan ng ZOOM si PNP Chief Archie Gamboa sa mga Police Trainees.