Matapos maturukan ng COVID-19 vaccine, nakatanggap pa ng ayuda ang may 200 na mga seafarer sa Taguig City.
Mismong ipinagkaloob ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang tig-₱10,000 ayuda mula sa programang Sampung Libong Pag-asa bilang handog sa pagdiriwang ng Day of the Seafarer.
Layon nito na bigyang pagkilala sa kontribusyon ng mga Filipino seafarer o mandaragat sa pagpapaandar ng ekonomiya ng bansa at matulungan ang mga ito sa kanilang kalagayang pangkabuhayan habang may pandemya.
Bukod sa 200 benepisyaryo na napili, mayroon ding 100 benepisyaryo na pipiliin mula sa comment section ng Facebook livestream.
Ang Sampung Libong Pag-asa ay bahagi ng adbokasiya at economic recovery plan ni Cayetano upang mabigyan ang pamilyang Pilipino ng tulong na maaari nilang gamitin pambili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan at muling buhayin ang kanilang mga negosyo.
Humigit kumulang na 4,000 Pilipino na ang natulungan ng programang ito at karamihan sa kanila ay ginamit ang salapi upang makabangon muli ang kanilang mga negosyo.