Cauayan City, Isabela- Aabot sa 200 tobacco farmers sa western part ng bayan ng Amulung sa Cagayan ang nabigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng 2016 excise tax.
Pinangunahan ang nasabing pagbibigay ng pinansyal nina Mayor Elpidio Reyes Rendon, SB Dok Edward Antonio, SB Mark Baculi, SB Mark Aljon Pascual, SB Joey Bargado, National Tobacco Administration Head Corazon R. Reasonda, LGU Department Heads at Treasury Staff.
Tumanggap naman ng P50,000 ang ilang magsasaka na may tinatamnan na isang (1) ektarya ng lupa at umaabot hanggang P200,000 ang naipamigay sa mga benepisyaryo nito bawat isa.
Samantala ang naiwang pondo na mahigit 26 milyon ay gagamitin para sa infrastructure project ng lokal na pamahalaan.
Sa kabuuan, P35 milyon ang kabuuang pondo na nalikom mula sa excise tax ng lokal na pamahalaan.