2,000 benepisyado sa Cebu, nakinabang sa unconditional cash transfer

Cebu City – Aabot sa 2,000 mga benepisyado ang nabigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng unconditional cash transfer sa Cebu City.

Ayon kay Duterte, mula sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ang perang kaniyang ipinamahagi sa mga benepisyado.

Ang bawat benepisyado ay nakatanggap ng P2,400 para sa isang taong ayuda para sa 2018.


Ngayong 2019, P300 kada buwan na ang ibibigay ng pamahalaan.

Batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot sa 700,000 ang benepisyado para sa unconditional cash transfer sa Central Visayas

Kasabay nito, nilinaw naman ni Shalaine Marie Lucero ng DSWD Region 7 na hindi pamumulitika ang pagbibigay ng ayuda sa mga benepisyado.

Facebook Comments