Sekyu, timbog matapos magnakaw ng condom sa Davao

Davao City – Arestado ang isang security guard matapos magnakaw ng isang kahon ng condom sa pinapasukan niyang convenience store sa Barangay Mintal, Davao City.

Sa kuha ng CCTV ng convenience store, mapapanood ang pagmasid-masid ng 21-anyos na guwardiya bago kinuha ang kahon ng condom sa counter at itinago sa kaniyang bulsa.

Ayon kay Chief Inspector Ricky Obenza, ipinahuli ng manager ng convenience store ang guwardiya matapos mapunang may nawawalang produkto habang nagi-inventory.


Aminado naman ang guwardiya sa pagkuha sa produkto pero giit niya na-curious lang raw siya rito.

Nahaharap ngayon ang guwardiya sa kasong qualified theft.

Facebook Comments