Cauayan City, Isabela- Nasa 2,000 beneficiaries ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) sa Alicia, Isabela ang natanggap na ang kanilang one-time cash assistance na P5,000 na suporta ng Department of Labor and Employment at Department of Tourism.
Ito ay sa kabila ng mga manggagawang apektado ng pandemya sa mga pribadong establisyimento na pansamantalang natigil ang kanilang pinagkukunang kita dahil sa ipinatupad na flexible work arrangement at pagsasara ng ilang kumpanya dahil sa COVID-19.
Nagpasalamat naman si Vice Governor Bojie Dy sa tulong ng national government habang kanya namang ipinakiusap sa mga benepisyaryo na gamitin sa kapaki-pakinabang na bagay ang kanilang natanggap na halaga ng pera.
Maliban sa CAMP assistance, tiniyak naman ni Governor Rodito Albano III na magsasagawa sila ng business strategies para tulungan na mapalakas ang duck industry sa bayan ng Alicia upang makakuha ng mas maraming kita mula dito.