2,000 Filipino skilled workers, kailangan ng Canada

Nangangailangan ngayon ang Yukon Territory sa Canada ng dalawang libong Pinoy skilled workers.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III,  kabilang sa mga skilled worker na kailangan sa Yukon ay mga nurse, engineer, heavy equipment o machine operator, chef, at teacher kung saan nasa p80,000 ang minimum na sahod.

Aniya, inutusan na niya ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia na padaliin ang pagproseso sa mga magtatrabaho sa Yukon.


Sabi naman ni Olalia, idadaan sa government-to-government track ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Yukon, na nangangahulugang POEA ang hahawak ng aplikasyon at walang sisingiling placement fee.

Para sa mga interesadong aplikante, antabayanan ang iba pang anunsiyo sa website ng POEA dahil inaayos pa ang Job Orders para rito.

Facebook Comments