China, suportado at iginagalang ang pagbawi ng Extradition Bill

Iginiit ni Hong Kong Leader Carrie Lam na naiintindihan, nirerespeto, at suportado na ng China ang hakbang na pormal na bawiin ang Extradition Bill.

Magugunitang ang panukala ang dahilan ng pagsiklab ng kaguluhan sa Hong Kong.

Ayon kay Lam, hindi lamang siya mag-isa ang nagdesisyon hinggil dito pero kasama rin ang buong gobyerno.


Naglatag din siya ng iba pang hakbang kabilang ang pagbubukas ng dayalogo para ayusin ang economic, social at political problems, at pagkakaroon ng housing at mobility sa mga kabataan.

Higit 1,100 katao na ang inaresto dahil sa Political Crisis mula pa noong Hunyo.

Facebook Comments