Inihayag ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig na target nilang bigyan ang 2,000 mga residente ng lungsod ng pagkakataon na makahiram ng pampuhunan sa pamamagitan ng “Pasig Tapat Loan Program”.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, pwede makapag loan ang isang taga-Pasig mula 5,000 hanggang 10,000 pesos upang gamiting puhunan sa gustong mag simula ng negosyo.
Aniya, ito ay para sa mga residente ng Pasig na nawalan ng trabaho at mga negosyanteng nalugi ng dahil Sa COVID-19 pandemic.
Tutulungan nito ang mga Micro, Small, and Medium Enterprise (MSME).
Sa ilalim ng nasabing programa, pwedeng magloan ng 10,000 piso ang mga negosyante na nais gawing compliant ng mga health measure laban sa COVID-19 para sa kabutihan ng mga empleyado at client nito.
10,000 piso rin para sa mga nawalan ng trabaho pero gusto magtayo ng negosyo.
Habang 5,000 piso naman para sa mga nawalanng trabaho pero gustong mag apply muli ng trabaho at na ngangailangan ng tulong pinansyal.
Ayon kay Mayor Sotto, ‘first come, first serve’ basis ang kanilang isasama para sa naturang programa.
Ang nais mag-apply ng “Tapat Loan Program ng Pasig” ay maaaring bisitahin ang website na pasig.accesslink.com o pumunta sa Tapat admin desk sa Pasig City Hall na bukas mula Lunes hanggang Biyerness ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.