Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, ang nasabing pamamahagi ay ang Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ng Department of Agriculture.
Ayon pa kay Engr. Alonzo, ang mga nabanggit na benepisyaryo ay mayroong dalawang (2) ektarya pababa ang sinasaka.
Dagdag pa nito, ang mga natukoy na benepisyaryo ay makatatanggap ng tig-limang libong piso (P5,000) bawat isa.
Kaugnay nito, inaanyayahan rin ni Engr. Alonzo ang lahat ng magsasaka na magpatala na sa pamamagitan ng Registry System for Basic Sector in Agriculture o RSBSA ng DA.
Ang RSBSA, ay ang sistema ng DA na kung saan doon pumapasok ang mga pangalan ng mga magsasaka na maaaring maging benepisyaryo sa iba’t ibang programa ng ahensya kabilang na ang RFFA.
Gayunpaman, paglilinaw rin ni Engr. Alonzo, na bagaman nairehistro na ang pangalan ng magsasaka, ay hindi awtomatikong mabibigyan ang mga ito ng ayuda; bagkus, posible lamang umanong mapabilang sa pamamagitan parin ng pagsystem generate.
Samantala, para naman sa mga napabilang sa listahan na makakatanggap ng ayuda ngunit namayapa na o wala na dito sa Pilipinas, ay maaari umanong makuha ang nasabing tulong sa pamamagitan ng lehitimong kamag-anak ng benepisyaryo.
Kinakailangan lamang na magpakita ang mga ito ng kanilang mga valid ID, PSA, at Death certificate ng benepisyaryo kung sakali mang ito’y namayapa na.