Aabot sa 2,000 informal sector workers na apektado ng COVID-19 pandemic ang kukuhanin ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa emergency employment program ng gobyerno.
Ayon kay DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns (DOLE-BWSC) Director Atty. Ma. Karina Trayvilla, madadagdag ang mga ito sa 14,000 na iha-hire nilang benepisyaryo para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program.
Maaari aniyang magtrabaho ang mga manggagawa ng hanggang 90 araw, depende sa request o pangangailangan ng ilang lokal na pamahalaan.
“So inaasahan po natin na maumpisahan iyong contact tracers natin, pagha-hire po nito. Hopefully by next week po, makapagsimula na tayo after po na ma-finalize iyong details among DILG and MMDA.” ani Trayvilla
Inaasahang aarangkada na sa susunod na linggo ang programa kung saan sasahod ng P537 kada araw ang bawat TUPAD workers.