Programang gagabayan sa mga pasyenteng may COVID-19, ilulunsad ng PGH

30

Maglulunsad ang Philippine General Hospital (PGH) ng isang programa na tutulong sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay PGH Spokesman Dr. Jonas Del Rosario, layon ng “OPLAN: COVID-Gabay” na magabayan ang mga pasyente kung paano haharapin ang sakit, kasama na rito kung kalian ito kinakailangang dalhin sa ospital.


Sa pamamagitan din aniya nito ay maipapabatid sa mga may sakit o mga nag-aalaga sa kanila ang mga dapat gawin para maisalba ang buhay ng pasyente.

Pagtitiyak ni Del Rosario, kanila munang uumpisahang manawagan sa mga doktor ng PGH at kapag napuno na ay saka nila bubuksan ito para sa ibang mga doktor.

Facebook Comments