20,000 KATAO, TARGET ISALI SA SAFE NETWORK LABAN SA TUMATAAS NA SUICIDE CASES SA DAGUPAN CITY

Tinatayang 20,000 katao ang target na isali ng pamahalaang lungsod ng dagupan sa bagong tatag na safe net o secure and abuse-free environment network bilang tugon sa suicide cases sa lungsod.

Ito ay inanunsyo matapos ang flag raising ceremony noong lunes, abril 6, kung saan ipinakilala ang safe net bilang isang ugnayan ng mga ahensya, indibidwal, at pamahalaan sa pag tiyak na ang bawat bata, kababaihan at mamamayan ay protektado sa komunidad.

Ayon sa city health office (cho), patuloy na tumataas ang kaso ng pagpapakamatay sa lungsod na karamihan ay biktima ng break-up problems, habang iba naman ay nakararanas ng problema sa pera at pamilya.

Sa ilalim ng safe net, sasanayin ang mga kasapi na intindihin ang ibang tao at matulungan sila sa kanilang emosyonal, sikolohikal, sosyal, at espirituwal na aspeto ng mental well-being. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments