Pormal ng idineploy sa Cotabato City at iba pang pagdaraosan ng plebisito sa araw ng lunes January 21 at Febrauary 6 ang nasa 20,000 libong pinagsanib na pwersa ng military , marines at kapulisan ngayong araw .
Isinagawa ang send -off ceremony sa Kampilan Ground sa Camp Siongco Headquarters ng 6th Infantry Division
Nanguna sa aktibidad si Police Director General Oscar Albayalde, kasama sina Deputy General Archie Gamboa, Western Mindanao Commander Lt. General Arnel dela Vega, Pro 12 Director Elesio Tam Rasco , Pro ARMM Director Graciano Mijares at host si 6th ID Commander MGen Cirilito Sobejana.
Bukod sa mga PNP at AFP Officials lumahok rin ang mga opisyales ng LGU mula sa ibat ibang bayan ng ARMM.
Sinasabing mula sa ibat ibang unit ng Elite Forces ng PNP at AFP ang mga isinabak sa gagawing plebisito bukod pa sa military hardwares , air at river assets,na naglalayung magpapanatili ng katiwasayan at kapayaan sa ibang lugar.
20,000 PNP at AFP Members ideniploy na sa Cotabato City
Facebook Comments