Naharang ng Bureau of Customs-Port of NAIA (BoC-NAIA) ang 20,000 tablets ng Ivermectin sa isang shipment na sinasabing inangkat ng Finstad Inc. mula sa New Delhi, India.
Ayon sa customs examiner, ang mga naturang gamot ay idineklarang food supplement, multivitamins at multi-mineral capsules.
Matapos isailalim sa 100% na pagsusuri ng BoC-NAIA, natuklasan na Ivermectin pala ito.
Iginiit ng BoC na ang Ivermectin ay pinahintulutan lamang gamitin sa mga pasyente kapag nag-isyu ang Food ang Drug Administration (FDA) ng compassionate special permit (CSP).
Facebook Comments