Nasa 20,000 tauhan mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ang ipapakalat upang magbantay sa pagganap ng Pilipinas bilang host ng 2019 Southeast Asian Games.
Ang Sea Games ay isasagawa mula November 30 hanggang December 11 ngayong taon.
Ang troop deployment ay para lamang sa Metro Manila, isa sa anim na sport venues kung saan magtutunggali ang 10,000 atleta mula sa Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Thailand, Timor Leste, Singapore, at Vietnam.
Ayon kay dating NCRPO Chief at ngayo’y PNP Chief for Directorial Staff, Major Gen. Guillermo Eleazar, katuwang ng pulisya ang mga tauhan ng MMDA, BFP, at Militar sa Ilalim ng Joint Task Force National Capital Region.
Bukod sa Metro Manila, ang Sport Competitions ay gaganapin din sa laguna, Bulacan, Tagaytay, Subic, at New Clark City Sports Complex sa Capaz, Tarlac.
Sa ngayon, ang lahat ng Security Preparations ay hawak na ng bagong NCRPO Chief, Brig/Gen. Debold Sinas.