20,000 trabaho, alok sa jobseekers – VP Robredo

41

Aabot sa higit 20,000 trabaho sa business sector, technology at service industry ang alok sa mga indibidwal na naghahanap ng trabaho.

Ayon kay Vice President Leni Robredo, ang mga interesadong aplikante ay maaaring bumisita sa job listings platform Sikap.PH, kung saan maaaring makita ang job vacancies.


“May 20,129 na trabaho na po tayong available sa sikap.ph. Kung naghahanap po kayo ng trabaho, puwede niyong tingnan dito yung mga klase ng trabahong available,” sabi ni Robredo.

Sinabi rin ni Robredo, maaari ring dumiretso sa nasabing website para direktang mag-apply.

Nasa 265 employers ang nag-aalok ng trabaho sa Metro Manila, Batangas, Laguna, Cebu, Cavite, Rizal, Benguet at Pampanga.

Maliban sa business sector, nangangailangan din ng manggagawa sa medical industry, aviation at education.




Facebook Comments