DOH-CALABARZON, nagbabala sa publiko hinggil sa mga nanghihingi ng donasyon gamit ang kanilang tanggapan

67

Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) CALABARZON hinggil sa mga mga nagso-solicit ng donasyon at financial assistance para umano sa COVID-19 response.

Sa inilabas na abiso na pirmado ni Regional Director Eduardo C. Janairo, may ilang indibidwal na ginagamit umano ang kanyang pangalan gayundin ang ilang DOH Executive Committee sa pangongolekta.


Sinabi pa ni Janairo na walang anumang instruction na nagmumula sa kanilang opisina.

Wala ring inilalabas na kautusan ang DOH Center for Health Department para mag-solicit ng pondo sa kahit sinuman o kaya sa ilang entity.

Inilabas ni Janairo ang nasabing abiso upang maging alerto at mapagmatyag ang publiko hinggil sa mga nananamantala sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments