201 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Taguig

41

Nakapagtala ng 201 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Taguig City Epidemiology Diseases and Surveillance Unit (CEDSU) sa nakalipas na 24 oras.
Dahil dito, umakyat na sa 17,678 ang kabuuang bilang ngayon ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 17,310 na ang matapos na madagdagan ng 143 ngayong araw.
Nananatili naman sa 185 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.
Nasa 183 pa ang active cases sa lungsod na kasalukuyang nagpapagaling sa mga quarantine facility.
Facebook Comments