Iginiit ng faculty members ng University of the Philippines College of Law na ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nagbibigay halaga sa arbitral victory ng bansa sa West Philippine Sea.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na ang 2016 arbitral award laban sa China ay isa lamang kapirasong papel na itinapon sa basurahan.
Sa statement, binigyang diin ng faculty members na ang 2016 arbitral award ay isang tagumpay at maipagmamalaki ng bawat Pilipino.
Walang legal na batayan ang China para angkinin ang WPS.
Nakakadurog sa puso ng mga Pilipinong mangingisda ang mga pahayag ni Pangulong Duterte na bahagi ng kanyang tungkulin ay protektahan ang soberanya ng bansa.
Dine-demoralize din nito ang mga uniformed personnel na ang trabaho ay protektahan ang karapatan ng bansa sa mga karagatan nito.
Nanawagan ang faculty members kay Pangulong Duterte na bawiin ang mga pahayag nito at gampanan ang tungkulin nito na protektahan ang interes ng bawat Pilipino.