Hiniling ng House Quad Committee sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa extra judicial killings (EJKs) sa loob ng Davao Prison and Penal Farm (DPPF) noong 2016 kung saan pinatay ang tatlong hinihinalang Chinese drug lords.
Ito ay makaraang lumabas sa pagdinig ng Quad Committee na ang nabanggit na pagpatay ay iniutos umano ni dating PCSO General Manager at retired Police Colonel Royina Garma.
Sa pagdinig ay isiniwalat ng mga testigo na sina – Leopoldo Tan Jr. at Fernando “Andy” Magdadaro na silang gumawa ng pagpatay na may basbas umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nabanggit na krimen.
Sinabi naman ni dating DPPF head Senior Supt. Gerardo Padilla na inutusan siya ni Garma na huwag maki-alam sa nabanggit na pagpatay.
Ibinunyag din ni dating DPPF head Senior Supt. Gerardo Padilla, tinawagan pa siya ni Duterte noon at binati matapos ang matagumpay na pagpatay sa tatlong Chinese.