2016 Miss International Crown, Nasungkit Ni Kylie Verzosa

8

TOKYO, JAPAN – Nasungkit nang pambato ng Pilipinas na si Kylie Verzosa ang titulo para sa 2016 Miss International sa Tokyo, Japan.Winning answer ni Kylie ang tatlong bagay na responsibilidad ng Miss International kabilang na ang kultura, edukasyon, at international understanding.Samantala, Fourth Runner-Up naman ang USA; Third Runner-Up ang Nicaragua; Second Runner-Up ang Indonesia at First Runner-Up ang Australia.Ang mga special awards ay nakuha ng Miss Int’l Asia ang Hong Kong, Miss Int’l Europe ang Netherlands, Miss Int’l America ang Miss Ecuador, Miss Int’l Africa naman ang Miss Sierra Leone habang ang Miss Int’l Oceania ay naiuwi ng Miss Hawaii.Una nang inanunsiyo ang top 15 finalists na kinabibilangan ng mga contestants mula sa mga bansang: Nicaragua, Indonesia, Finland, Mexico, Usa, Japan, El Salvador, Canada, Dominican Republic, Argentina, Philippines, Australia, Russia, Thailand at Poland.Bago ito tiniyak ng pinay beauty queen na ibibigay nito sa Pilipinas ang pang-anim na Miss International Crown at hindi nga ito nabigo.

Facebook Comments