Higit Pitong Milyong Botante, Nakiisa Sa Early Voting Sa America

6

USA – Aabot sa 7.3 Million ang nakiisa sa early voting sa American para sa November Presidential Election.Batay sa statistics, pabor ang unang mga figures para sa democratic standard bearer na si Hillary Clinton lalo na sa mga battleground states.Sa 12 battleground states lamang, 4.6 Million na ang nakaboto.Mas tumaas ang bilang ng mga Democrat-registered voters na nakaboto ngayong taon kumpara sa kaparehong period noong 2012 Presidential Election.Ang Arizona na noong nakaraang halalan ay itinuturing na Republican State ay nagawa ng democrats na maging Swing State.At batay sa early voting, lamang ng higit 4,000 ang Democrats na nakaboto na kung ihambing sa Republicans.Sa Colorado, may 10,000 advantage na ang Democrats sa Republicans habang sa nevada halos 15,000 na mga boto ang lamang ng partido ni Clinton kay Trump.Pero sa early voting sa Florida at Iowa, mas mataas ng bahagya ang turnout ng Republican voters kaysa Democrats.May 100,000 vote advantage naman ang Democrats sa North Carolina pero sa Utah ay mas marami na ang bumotong Republicans.

Facebook Comments