2016 VP ELECTION | Mga ballot box na walang voters’ receipts, nadiskubre ng ilang revisor ng PET

Manila, Philippines – Nadiskubre ng mga revisor ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na ilang ballot boxes mula sa bayan ng Balatan, Camarines Sur ay walang voters’ receipts.

Ito ay bahagi pa rin ng manual vote recount sa 2016 vice presidential elections ukol sa electoral protest ni dating Senador Bongbong marcos laban kay vice president leni robredo.

Ang voters’ receipts ay mahalagang election document na dapat nakalagay sa loob ng mga ballot box.


Ayon sa mga revisors na hindi na nagpabanggit ng pangalan, ang pagkawala ng mga voters’ receipts ay nangangahulugan lamang na hindi na-transmit ng Vote Counting Machines (VCM) ang mga binoto ng isang botante.

Indikasyon din ito na tinanggal o hindi isinama ang mga nasabing resibo dahil ang mga boto ay hindi nakasama sa bilang ng VCM.

Paglabag din ito sa direktiba ng PET sa Commission on Elections (COMELEC) na isama ang mga resibo sa mga ballot box kapag nai-turn over ito sa hukuman.

Hindi naman makapagkomento ang kampo nina Robredo at Marcos dahil sa gag order na inisyu ng PET.

Facebook Comments