2016 VP RACE | Kampo ni VP Robredo, hinamon si dating Sen. BBM

Manila, Philippines – Hinamon ng kampo ni Vice President Leni Robredo si dating Senador Bongbong Marcos na gamitin ang mga litrato ng ballot images para matukoy ang tunay na resulta ng may 2016 Vice Presidential Elections.

Ayon sa abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, tila natatakot si Marcos na malaman ang katotohanan lalo’t kinatigan ng COMELEC ang paggamit ng 25% vote shading threshold.

Giit ni Macalital, na dapat tanggapin ni Marcos ang kanilang hamon kung nais talaga niya na mapabilis ang resolusyon sa kanyang electoral protest at mapatunayang hindi pinababagal ng VP camp ang proceedings.


Aniya, ang paggamit ng ballot images ang mabilis na paraan sa pagresolba ng election protest.

Sagot naman ng kampo ni Marcos, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita na si Vic Rodriguez, ang layunin ng electoral protest ay para kwestyunin ang misconduct ng COMELEC noong halalan at ang maling canvassing at pagmamanipula ng transmission ng election results.

Facebook Comments