ALLOWANCE | Mga rank and file employees ng Senado, makakatanggap ng grocery at transportation allowance

Manila, Philippines – Inanunsyo ni Senate President Tito Sotto III na makatatanggap ang rank and file employees ng Senado ng karagdagang P5,000 buwanang allowance para sa groceries at transportation.

Ayon kay Sotto, layunin nitong maibsan ang impact ng tumataas na presyo ng mga bilihin.

Kinikilala aniya ng senado ang sipag at dedikasyon ng mga empleyado sa kanilang trabaho.


Nilinaw ni Sotto na ang additional allowance ay hiniling ng uniyon bago pa man ipasa ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Facebook Comments