Manila, Philippines – Uumpisahan ngayong araw ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang pag-retrieve sa mga ballot box at iba pang election documents sa Iloilo.
Kaugnay ito sa election protest na isinampa ni dating Senator Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Kukuhanin ng pet retrieval team ang mga ballot box mula sa 2,748 clustered precincts sa 44 na bayan at lungsod.
Dadalhin ang mga ballot box sa Supreme Court-Court of Appeals Gymnasium sa Manila para sa pagpapatuloy ng manual recount.
Magtatagal ang retrieval process hanggang May 25, Biyernes.
Facebook Comments