PALIT PINUNO | Pagpapapalit ng liderato ng senado, posibleng gawin ngayong araw

Manila, Philippines – Posibleng pag desisyunan ngayong araw kung magpapalit ng liderato ng senado.

Ito ay matapos na lumagda ang 15 mga senador sa resolusyong humihiling na iluklok si Senador Tito Sotto bilang Senate President.

Ayon kay Sotto, makikipagpulong muna ang mayorya kay Senate President Koko Pimentel bago pagdesisyunan ang palitan ng liderato.


Oras na bumaba si Senate President. Koko Pimentel, tiniyak ng mga senador na bibigyan siya ng pamumunuang komite.

Tiniyak din ni Pimentel na wala syang sama ng loob sa mga kapwa niya senador.

Tanggap na aniya niya ang naging desisyon ng mga kapwa niya senador dahil dapat bukas sa pagbabago ang tao sa lahat ng oras.

Facebook Comments