2016 VP RACE | VP Robredo, binayaran na ang multang ipinataw ng PET

Manila, Philippines – Binayaran na ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang ₱50,000 penalty na ipinataw ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

Ito ay kasunod ng pagsasapubliko nila at ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ng mga detalye sa election protest.

Matatandaang nagsalita sa publiko ang kampo ni Marcos hinggil sa umano ay mga basang balota at nawawalang audit log nang umpisahan ang revision of ballots.


Subalit ang kampo ni Robredo, nanindigang sumagot lamang sila sa mga malisyosong pahayag ni Marcos.

Kung tutuusin, hindi binanggit ng PET ang eksaktong pahayag nila na lumabag sa subjudice rule.

Facebook Comments