2016 WPS Arbitral Ruling, isa lamang kapirasong papel ayon kay Pangulong Duterte

104

Inihalintulad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang kapirasong papel na itinapon sa basurahan ang 2016 Arbitral Ruling na napanalunan ng Pilipinas laban sa China.

Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na wala namang nangyari noong iginiit niya ang arbitration award na nagbabasura sa pag-aangkin ng China sa buong South Chia Sea.

Iginiit pa ng Pangulo na ang kapangyarihan pa rin ng isang bansa ang mananaing sa anumang sigalot.


Pinasaringan din ni Pangulong Duterte ang mga kritiko na patuloy siyang sinisi sa kasalukuyang sitwasyon sa West Philippines Sea.

Nabwisit din ang Pangulo sa mga nagpe-pressure sa kanya na iakyat ang reklamo sa United Nations.

Muling iginiit ng Pangulo na malaki ang utang na loob ng Pilipinas sa China.



Facebook Comments