Manila, Philippines – Inanunsyo na ni Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin ang resulta ng 2017 Bar Examination.
Nanguna sa Bar Exam si Mark John Simondo ng De La Salle University, na may rating na 91.05.
Pangalawa si Christianne Mae Balili ng University of San Carlos, 90.08.
Pangatlo si Camille Remoroza ng Ateneo de Davao, 90.7.
Pang-apat si Ivanne D’laureil Hisoler ng University of San Carlos, 89.55.
Panglima si Monica Anne Yap ng San Beda College, 89.45.
Pang-anim si Lorenzo Luigi Gayya ng UST,89.1.
Pampito si Rheland Servacio ng University of San Carlos, 89.
Tie naman sa pangwalo sina Krizza Alcantara-Bagni ng St. Mary’s University at Algie Kwillon Mariacos ng San Beda College sa rating na 88.9.
Pang-siyam si Klinton Torralba ng UST na may 88.65 rating at pang-sampu si Emma Ruby Aguilar na mula rin sa UST na may rating na 88.4.
Ayon sa Korte Suprema, sa kabuuang 6, 748 na nakakumpleto ng pagsusulit 1, 724 lamang ang nakapasa o 25.55 percent
Itinakda naman ang oath taking ng Bar candidates sa June 1, 2018, sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.