Maine Mendoza, pinagtanggol ng kanyang talent manger

Pinagtanggol si Maine Mendoza ng kanyang talent manager na si Rams David tungkol sa mga chismis o pamba-bash sa kanya ng ilang mga netizens.

Giit ng mga bashers; “gimikera, lasengga, at malandi na nag e-entertain ng lalaki sa bahay” si Maine.

Agad ipinahiwatig ni Rams na kaunti lang ang may nakakaalam kung saan nakatira si Maine at “hindi niya ho gagawin na mag-entertain or magsama ng lalaki sa bahay niya.”


Giit pa ni Rams, lumalabas daw siya kasama ng mga kaibigan niya ngunit wala naman daw masama doon.

“Kung umiinom siya, alam niya ang limits niya. Yung bata (Maine) nagpapakahirap at pagod din sa trabaho, bigyan natin ng oras para sa sarili,” diin pa ni Rams.

Facebook Comments