2017 Binibining Pilipinas-Universe Rachel Peters, may huling wish bago sumabak sa Miss Universe

Manila, Philippines – Umaasa si 2017 Binibining Pilipinas-Universe Rachel Peters na makilala at makausap ng personal si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach bago siya lumaban sa prestihiyosong Miss Universe pageant.

Say ni Rachel na mula sa Camarines Sur – si Maxine Medina pa lang kasi ang nakaka-bonding niya.

Pinayuhan daw siya nito na huwag magpadala sa stress bagay na nahihirapan pa siyang gawin pero sinusubukan namang ikondisyon ang sarili bago magsimula sa araw-araw na training.


Ayon pa kay Rachel, ayaw naman niyang magpaka-kampante lalo’t aware siya hinggil sa posibilidad na dito sa Pilipinas gawin ulit ang coronation ngayong taon.

Facebook Comments